YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 12, 2014

Waitress nagreklamo sa Boracay PNP matapos saktan ng kaniyang amo

Posted August 12, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagreklamo sa Boracay PNP ang isang 18-anyos na waitress matapos umano siyang saktan ng kaniyang amo.

Nakilala sa police report ng Boracay PNP ang nagrereklamong si Christina Bonsato 18-anyos ng Dalupian, Bataan at presenteng nakatira sa Sitio. Diniwid,Balabag Boracay.

Ayon sa biktima inutusan siya ng kanyang amo at manager ng pinapasukang restaurant sa Boracay na si Gaon Kim na kumuha ng ice coffee para sa kanilang customer.

Galit umano ang kaniyang amo nang siya ay utusan kung saan agad naman siyang kumuha ng ice coffee sachet at saka ibinigay dito.

Subali’t nagulat nalang din umano siya nang hampasin siya ng apron ni Gaon Kim sa binti at sinampal pa sa likod.

Dahil sa insidente mas minabuti ng Boracay PNP na idulog ang nasabing problema sa Brgy. Justice System ng Brgy. Balabag.

No comments:

Post a Comment