YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 24, 2014

Babaeng Korean national, nasalisihan sa Boracay

Posted September 24, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Humingi ng tulong sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang babaeng Korean national matapos umanong masalisihan sa Boracay.

Sumbong ng koreanang si Si Myung Lee, 24 anyos ng Kyung-gi South Korea, naglalakad ito kanina ng madaling araw kasama ang kanyang kaibigan na si Hung Jung Park sa Balabag Boracay nang alokin ng monopod ng isang lalaki.

Ilang sandali pa ay may dalawang lalaki din umano ang lumapit sa kanila at nakipag-usap.

Subalit sa huli, tinanggihan din umano ng mga Korean national sa ang alok ng mga ito.

Samantala, nang makarating sa Boat Station 1 at kunin ang kanyang cellphone sa bulsa ay saka natuklasan ni Lee na nawawala na ito.

Paniwala ng biktima, nasalisihan sila ng mga hindi nakilalang lalaki.

No comments:

Post a Comment