YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 01, 2014

Barangay Balabag Council, muling nagpaalala tungkol sa kalinisan ng paligid

Posted September 1, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Muling nagpaalala tungkol sa kalinisan ng paligid ang mga taga Barangay Balabag Council.

Kaugnay ito sa ginawang pag-inspeksyon at clean up drive ng konseho at ilang volunteers sa loobang bahagi ng Barangay Balabag nitong nakaraang Sabado.

Dismayado kasi ang mga ito sa ilang boarding house doon na tila walang malasakit sa kalinisan ng paligid at nagtuturuan pa tungkol sa basura.

Ayon sa mga taga konseho, dapat na maging malinis ang lahat sa paligid upang makaiwas sa sakit lalo pa ngayong tag-ulan.

Kaugnay nito, hinimok din ng konseho ang mga selda leaders at may-ari ng boarding house doon na ipatupad ng mabuti ang tamang pagtapon ng basura at proper waste segregation.

Samantala, nagbabala naman ang konseho na mananagot ang mga pasaway at walang pakundangang nagkakalat ng basura.

No comments:

Post a Comment