YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 08, 2014

BFP, tututukan ang pagkakaroon ng Fire Exit Drill sa Boracay

Posted September 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Atensyon sa mga hotel at resort sa isla ng Boracay.

Tututukan ngayon ng Bureau of Fire Protection Unit (BFPU) ang pagkakaroon ng Fire Exit Drill sa mga establisyemento sa isla.

Ito ang sinabi ni bagong BFPU Chief Fire Inspector Stephen Jardeleza kanina sa joint flag raising ceremony, kung saan ere-required umano ito sa mga establisyemento at susuriin tuwing sila ay kukuha ng mga business permit.

Anya, isa din ito sa mga hakbang upang mas na mapaunlad ang “fire safety measures” sa isla ng Boracay lalo na’t papalapit ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2015.

Samantala, ipinasiguro naman ni Jardeleza ang pagkakaroon ng mga programa kaugnay sa fire safety inspection at emergency response.

Ipinaabot din nito na bilang isa sa mga dinadayong isla sa buong mundo ay dapat siguraduhin ang kaligtasan hindi lamang ang mga residente kundi lalo na ng mga turista na nagbabakasyon sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment