YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 22, 2014

Biktima ng pambubogbog ng pulis nitong Sabado, itunorong suspek ang mga taga PDEA

Posted September 22, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Taga PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang itinuturong suspek sa pambubogbog sa isang 59 anyos na biktima nitong Sabado.

Ayon sa report ng Boracay PNP, nasa loob ng isang bar ang biktimang si Adenito Gelito nang hulihin at kaladkarin umano ito ng isang nagngangalang Topi na miyembro ng PDEA at dalawa pang hindi nakilalang suspek.

Pinagtulungan din umano itong bugbugin ng mga suspek kung kaya’t nagtamo ito ng pinsala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

Samantala, nabatid na sinibak naman sa pwesto si PAIDSOTG Chief PInspector Wilfredo HofileƱa dahil sa nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment