YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 08, 2014

Boracay Action Group, kinilala ng PNP bilang Outstanding NGO of the Year 2013

Posted September 8, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay 


Kinilala ng PNP ang Boracay Action Group bilang Outstanding Non-Government Organization of the Year 2013.

Ayon kay Boracay Action Group Adviser/Consultant Leonard Tirol, nitong nakaraang August 8 pa dapat ibinigay ang award kasabay ng pagdiriwang ng ika-113 Years of Police Service ng Philippine National Police, subali’t wala umanong kinatawan ng BAG na tumanggap nito mula sa Camp Crame kung kaya’t idinaan ito sa PNP Region 6.

Kaya naman sa ginanap na Joint Flag Raising Ceremony ng BAG kanina, sinabi ni Tirol na kilala na rin maging sa regional at national level ang Boracay Action Group.

Samantala, bagama’t aminado si Malay Mayor John Yap na malungkot ito dahil wala silang natanggap na imbistasyon para tumanggap ng award, masaya umano ito sa karangalang natanggap ng grupo.

Samantala, nabatid na nakatanggap din ng award mula sa Police Regional Office 6 ang Boracay Action Group bilang supportive NGO for the year 2013.

No comments:

Post a Comment