YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 15, 2014

Boracay apektado rin ng Bagyong Luis

Posted September 15, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Apektado rin ng Bagyong Luis ang isla ng Boracay.

Katunayan, ipinag-utos ng Philippine Coastguard ang pansamantalang pagkansela ng lahat ng water sports, at island hopping activities kahapon dahil sa malalakas na alon at hangin.

Bagama’t tuloy ang biyahe ng mga bangka sa Tambisaan at Tabon Port, pinayuhan naman ng Philippine Coastguard huwag pumalaot ang mga maliit na bangka.

Kasabay nito, ipinagbawal din ng Life Guard Boracay ang paliligo sa long beach.

Samantala, matapos ang kanilang ocular inspection, kinumpirma naman ng coastguard na maaari nang ibalik sa normal ang operasyon ng mga nasabing sea sports activities maliban sa parasailing.

No comments:

Post a Comment