YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 03, 2014

Chinese national, ninakawan ng pera; suspek, umamin

Posted September 3, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kaagad na inamin ng 26 anyos na lalaking housekeeper ng isang hotel sa Balabag Boracay ang pagnanakaw matapos magreklamo ang isa sa mga guest nito.

Nabatid sa blotter report ng Boracay PNP na nagreklamo ang tsinong si Shin Wen Lin na nawalan ito ng Php 3, 000 at 130 US Dollars.

Kaagad namang inaksyunan ng management ng nasabing hotel ang reklamo, kung saan nang suriin ang CCTV Camera ng hotel ay doon nakita ang housekeeper na pumasok sa kwarto ng tsino nang hindi naman umano ipinapatawag.

Samantala, nang komprontahin ng management ng nasabing hotel ang suspek ay kaagad naman nitong inamin ang pagnanakaw, subalit isang libong piso lamang umano ang kanyang kinuha.

Sa kabila nito, nagbayad parin ng Php 8, 629 ang management ng hotel sa nasabing turista.

No comments:

Post a Comment