YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 30, 2014

Drag racing sa Sitio Pinaungon, Balabag tuwing madaling araw ikinabahala ng mga residente

Posted September 30, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ikinabahala ngayon ng mga residente ang drag racing o karera ng motorsiklo sa Sitio Pinaungon, Balabag tuwing madaling araw.

Maliban dito, inerereklamo din nila ang ingay na dulot ng mga modified muffler o tambutso ng mga nagkakarera.

Ayon sa hindi na pinangalanang source, nagsisimula ang karera at pustahan ng humigit-kumulang sampung “single” driver sa pagitan ng ala 1:00-3:00 ng madaling araw.

Kaya naman magkahalong pagkabahala at pagkainis sa istorbong dulot ng nasabing karera ang nararamdaman ng mga residente doon.

Samantala, iginiit din ng mga residente sa lugar na delikado at hindi libangan ang nasabing gawain, lalo pa’t may mga angkas ang mga nagkakarera.

Nanawagan din ang mga ito ng agarang aksyon sa mga otoridad.

No comments:

Post a Comment