YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 30, 2014

First Aid Olympics 2014 ng Red Cross Boracay, kinansela

Posted September 30, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Sa halip na ngayong buwan ng Setyembre ay sa Oktubre na lamang gaganapin ang First Aid Olympics 2014 ng Red Cross Boracay-Malay Chapter.

Ayon kasi kay PRC Malay-Boracay Chapter Deputy Administrator John Patrick Moreno, ilan sa nagpalistang kalahok ay umatras sa paligsahan, kung kaya’t hahabaan umano ng PRC ang oras sa registration para marami ang makakasaling organisasyon at business establishment sa isla ng Boracay.

Samantala, nabatid na itatampok ng Red Cross ang kauna-unahang First Aid Olympics bilang bahagi ng selebrasyon ng First Aid Month ngayong buwan ng Setyembre na ipinagdiriwang sa ibat-ibang panig ng mundo.

Kasama umano sa paglalabanan dito ang first-aid na itinuro ng Red Cross para maiuwi ang cash prize at matanghal na kauna-unahang First Aid Olympics 2014.

No comments:

Post a Comment