YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 10, 2014

Itinuturong gun man kay dating Malay Mayor Roger Aguirre, nadakip kagabi

Posted September 10, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nasa kostodiya na ngayon ng Kalibo PNP ang itinuturong gun man kay dating Malay Mayor Roger Aguirre.

Kinilala ni PO1 John John Lachica ng Kalibo PNP ang naarestong si Jesur Salvadeko, 58 anyos ng Nabas, Aklan.

Nadakip umano si Salvadeko ng mga taga CIDG kahapon sa Agmanic Sta.Fe Romblon at inilagak kagabi sa kostodiya ng Kalibo PNP para sa karampatang disposisyon.

Magugunitang dead on the spot ang dating alkalde at dalawa nitong body guard matapos barilin sa Plaza ng Argao sa bispera ng kapistahan ng nasabing barangay taong 1990.

No comments:

Post a Comment