YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 22, 2014

Korean National, nabiktima ng snatcher, pera at iba pang gamit, tinangay

Posted September 22, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Sakit parin sa ulo ng mga taga Boracay PNP ang nakawan sa isla.

Patuloy parin kasing nananalasa ang mga kawatan ngayon katulad ng akyat-bahay at salisi.

Kaninang madaling araw naman, isang Korean national ang nabiktima ng snatcher sa station 2 Barangay Balabag.

Ayon sa police report ng Boracay PNP, naglalakad pabalik sa tinutuluyang kwarto ang turistang si Park Min Young nang may lumapit sa kanyang tatlong lalaki.

Bigla umanong hinablot ng mga ito ang kanyang bag na naglalaman ng diyes mil pesos, kalahating milyong Korean money, credit card, at susi ng tinutuluyang resort.

Mabilis namang nakatakas ang mga suspek at hindi na natunton pa ng mga kapulisan.

No comments:

Post a Comment