YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 02, 2014

Mahigit 1 milyong tourist arrival, naitala na ng MTour bago pa mag-‘Ber’months

Posted September 2, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Magandang balita para sa lahat ng mga taga isla ng Boracay!

Naitala na ng MTour o Malay Tourism Office ang mahigit 1 milyong tourist arrival bago pa mag-‘Ber’months.

Base sa inilabas na Comparative Statistics of Boracay Tourist Arrival ng MTour mula Enero hanggang Agosto, naitala ang kabuuang 1, 065, 748 na mga turista.

Magugunitang kinumpirma rin sa datus ng MTour na nangungana parin ang mga Korean Tourist sa isla na sinusundan ng mga Chinese at Taiwanese.

Samantala, determinado ang Department of Tourism (DOT) na makapagtala ng 1.5 million tourist para ngayong taong 2014, subali’t nakapagtala na ito ng mahigit isang milyon makaraan ang Buwan ng Agosto.

No comments:

Post a Comment