YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 01, 2014

Mga construction worker sa Boracay, kalaboso dahil sa pambobogbog at iskandalo

Posted September 1, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Sa selda na ng Boracay PNP natulog ang ilang construction workers sa Boracay matapos mambogbog ng kasama at mag-iskandalo kagabi.

Sa magkahiwalay na insidente, unang nirespondehan ng mga pulis ang isang komosyon na nangyari sa pagitan ng mga construction worker sa kanilang barracks sa Barangay Balabag.

Ayon sa report, naghahapunan ang biktimang si Jason Apasado, 26 anyos nang lapitan ng mga suspek na sina Danilo dela Cruz at Raymond Quijano at pinagtulungang bugbugin sa hindi nalamang dahilan.

Nagtamo ng pinsala sa ulo at mukha ang biktima dulot ng insidente.

Samantala, napasugod naman sa isa pang komosyon sa nasabi ring barangay ang mga kapulisan nang magpaulan ng bote ng beer ang mga construction worker sa isang boarding house doon.

Kaagad dinampot ng mga pulis ang anim na suspek kasama ang isang sekyu dahil sa iskandalong nilikha nila sa lugar.

No comments:

Post a Comment