YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 01, 2014

Mga turistang Koreano, nangunguna parin sa Boracay nitong buwan ng Hulyo at Agosto

Posted September 1, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Bukod sa mga Pinoy, nangunguna parin sa International tourist sa Boracay ang mga Koreano nitong nakaraang buwan ng Hulyo at Agosto.

Ito’y base sa naitalang record ng Municipal Tourism Office (Mtour) Malay.

Nabatid na nitong nakaraang buwan ng Hulyo ay nakapagtala sila ng 24, 990 Korean tourist at mahigit sa 26 na libo naman sa nakaraang buwan ng Agosto.

Pumapangalawa naman dito ang mga Chinese habang pangatlo ang Taiwanese kung saan karamihan pa sa mga turistang pumupunta sa Boracay ay mula sa Malaysia, UAE at USA.

Samantala, bahagyang bumaba ang bilang ng mga turistang nagbakasayon sa resort island ngayong buwan ng Agosto dahil na rin sa patuloy na sama ng panahon.

Napag-alamang target ng Department of Tourism (DOT) na makapagtala ng 1.5 million tourist para ngayong taong 2014.

No comments:

Post a Comment