YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 24, 2014

Outdoor Shooting Range, gustong ipatayo sa isla ng Boracay

Posted September 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isa na namang personalidad ang nagpakita ng hangarin sa Sangguniang Bayan ng Malay na magtayo ng outdoor shooting range sa isla ng Boracay.

Base sa nilalaman ng Order of Business ng SB Malay nakasaad dito sa Incoming and Referral ang Letter of Intent ni Mr. Arumpac Muamar Hadji Mad na magtayo ng nasabing shooting range sa isla.

Bagamat hindi natuloy ang SB Session ng Malay kahapon dahil sa walang quorum muli naman itong tatalakayin sa susunod na Session sa Martes.

Nabatid na ilang kumpanya na rin ang nagpaabot sa Sangguniang Bayan ng Malay na gustong magsagawa ng ganitong operasyon ngunit hindi pa ito naaaprobahan ng local body.

Samantala, hati naman ang reaksyon ng mga SB Officials sa ganitong operasyon kung saan ang iba ay pumapabor kung ligtas ang lugar na pagtatayuan nito at ang iba naman ay tumatutol dahil sa maaaring ikatakot ng ilang kalapit na establisyemento sa lugar.

No comments:

Post a Comment