YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, September 04, 2014

Pagpapaputol ng mga puno sa provincial hospital, pinarerepaso na ni Gov. Miraflores

Posted September 4, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pinarerepaso na ni Aklan Governor Florencio “Joeben” Miraflores ang pagpapaputol ng mga puno sa provincial hospital.

Sa ginanap na 30th SP Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan kahapon, tinalakay ang nasabing “urgent request” ng gobernador, kung saan pinamamadali na nito ang pagpapaputol ng mga puno ng mangga sa nasabing ospital.

Subalit nag-desisyon ang konseho na isangguni muna ito sa komitiba ng environment.

Nabatid na ang pagpapaputol ng mga puno sa provincial hospital ay bahagi ng pagre-redevelop nito.

No comments:

Post a Comment