YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 29, 2014

Sekyu nag-reklamo sa BTAC matapos batuhin at pagbantaang bugbugin sa Boracay; suspek, ikinustodiya sa BTAC

Posted September 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nasa kustodiya ngayon ng Boracay PNP Station ang isang lalaki matapos batuhin at pagbantaang bugbugin ang isang sekyu sa Boracay.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, nasa loob kagabi ng kanyang pinagtatrabahuan sa Balabag Boracay ang security guard nang mangyari ang insidente.

Lumabas umano ang sekyu at kinompronta ang nasabing suspek, subalit nagalit di umano ito at nagbasag ng bote.

Kasabay nito, pinagbantaan niya ring bubugbugin ang sekyu habang pinagbabato.

Kaagad namang inawat ng mga residente sa lugar ang nasabing kaguluhan.

Samantala, wala namang impormasyon kung itutuloy ng sekyu ang reklamo nito sa nasabing suspek.

No comments:

Post a Comment