YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, September 25, 2014

Sewer Line Rehabilitation Project ng BIWC, sinisimulan na

Posted September 25, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Sinisimulan na ng BIWC o Boracay Island Water Company ang kanilang Sewer Line Rehabilitation Project.

Ayon sa BIWC tinatrabaho na ang paglipat sa mga sewer line sa Sitio Sinagpa, Barangay Balabag partikular ang sa BTR o Boracay Terraces Resort papuntang Las Brisas Resort.

Nabatid na ikinadismaya at tinawag na ‘eye sore’ ng mga residente at turista ang mga nakatiwangwang na sewer line doon lalo pa’t may mga bakasyunista ring kinukunan pa talaga ang mga ito ng litrato.

Samantala, kinumpirma din ng BIWC na kasalukuyang nasa area palang ng Friday’s Boracay nakasentro ang kanilang rehabilitation project.

No comments:

Post a Comment