YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, September 26, 2014

TIEZA Chief Operating Officer Mark Lapid, nakatakdang makipag-usap sa Task Force Boracay para sa APEC

Posted September 26, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nakatakdang makipag-usap sa Task Force Boracay para sa APEC hosting si TIEZA Chief Operating Officer Mark Lapid.

Ito ang kinumpirma ni Boracay Island Administrator Glenn SacapaƱo kasabay ng pagsusumite nila ng petisyon ng LGU Malay para sa TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.

Ayon kay SacapaƱo, dito rin pag-uusapan ang mga proyektong kailangang tapusin bago sumapit ang 2015 APEC Hosting ng Boracay katulad ng drainage at mga street lights.

Samantala, nabatid na darating sa susunod na araw ng Sabado, ikaapat ng Oktubre si Lapid matapos imbitahan ng BFI o Boracay Foundation Incorporated.

Kasama rin sa darating para sa nasabing pagpupulong si mismong Aklan Governor Florencio Joeben Miraflores at Malay Mayor John Yap.

Magugunita namang ikinadismaya ng LGU Malay at BFI ang kanilang natuklasan sa drainage ng TIEZA matapos nila itong pagtulungang i-de-clog kasama ang ilang volunteers nitong mga nakaraang linggo.

No comments:

Post a Comment