YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 10, 2014

Top 1 Most Wanted person sa Capiz, naaresto sa Boracay

Posted September 10, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dinala na kahapon sa bayan ng Kalibo ang Top 1 Most Wanted person sa Capiz matapos maaresto sa Boracay nitong Sabado.

Nakilala sa blotter report ng Boracay PNP ang suspek na si Arnold Masbaño, 37 anyos ng Tacas Pontevedra Capiz.

Nabatid sa report ng mga pulis na papaalis na ang suspek sakay ng isang motorbanca sa Tambisaan Port, Brgy. Manoc-Manoc Boracay alas nueve ng umaga nitong Sabado nang maabutan ng mga pulis.

Kasong murder ang kinakaharap ng akusado na inisyu ng 6th Judicial Region, Branch 2 ng Roxas City Capiz noong October 2010.

No comments:

Post a Comment