YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 02, 2014

Umano’y lalaking napagkamalang sumira ng padlock ng CR sa isang bar sa Boracay, nagreklamo sa BTAC

Posted September 2, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagreklamo sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang hindi na nagpabanggit na lalaki matapos na umano’y napagkamalang sumira ng padlock ng isang bar sa Boracay.

Sumbong ng 22 anyos na nagrereklamo, alas dos ng madaling araw kanina nang tumungo ito sa CR ng isang bar sa Boracay upang umihi subalit naka-padlock umano ito.

Sa pag-aakalang may tao sa loob ay kinatok umano ng nagrereklamo ang pinto subalit wala namang sumasagot.

Ilang sandali pa ay nakita umano sya ng manager ng nasabing bar at ipanahuhuli sa security guard dahil sa umano’y sinira nito ang padlock ng nasabing CR.

Dahil sa naranasang kahihiyan, tumungo ang nasabing lalaki sa himpilan ng BTAC at inereklamo ang manager ng nasabing bar ng “unjust vexation.”

No comments:

Post a Comment