YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 08, 2014

Aksidente sa motorsiklo sa Nabas, Aklan nag-iwan ng 1 patay; 2 sugatan

Posted October 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Patay ang isang back-rider ng isang motorsiklo matapos maaksidente sa Union, Nabas, Aklan.

Sugatan din ang driver nito at isa pang sakay.

Ayon kay SPO4 Wenceslao Swela ng Nabas PNP Station, binabaybay ng nasabing motorsiklo ang kahabaan ng nasabing lugar nitong nakaraang Linggo ng madaling araw nang bumangga sa isang grupo ng mga taong naglalakad doon.

Dahil sa nawalan ng balanse ay tumilapon ang dalawa sa mga backrider nito nang matumba ang sinasakyang motorsiklo.

Kinilala ang nasawi na si Christian Coper, 21 anyos ng Caticlan Malay habang nagpapagaling naman sa Provincial Hospital ang driver nito na si Jestoni Selo ng Unidos Nabas Aklan.

Ayon sa Nabas PNP, kasalukuyan paring nasa kanilang himpilan ang motorsiklo habang patuloy pang iniimbesgahan ang nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment