YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 20, 2014

Arabo sa Boracay, hinampas ng bote sa ulo dahil sa kakulitan

Posted October 20, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Hinampas ng bote sa ulo ang isang Arabo sa station 2 Balabag, Boracay kaninang madaling araw.

Nakilala sa report ng Boracay PNP ang biktimang si Faiz Ali, 27 anyos ng Riyadh, Saudi, Arabia.

Base sa imbistigasyon, makulit umano ang Arabo at iginigiit na kinuha ng dalawang sekyu at dalawang hindi nakilalang suspek ang kanyang sunglass.

Dahil sa kakulitan, napikon ang mga suspek at hinampas ng bote ng alak ang biktima at kaagad tumakas.

Isinugod naman sa pagamutan ang Arabong turista habang iniimbistigahan pa ng Boracay PNP ang insidente.

No comments:

Post a Comment