YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 08, 2014

Ceres bus nahulog sa bangin sa Buruanga Aklan, mga pasahero nailigtas

Posted October 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nailigtas ang nasa mahigit sampung mga pasahero ng isang Ceres Bus matapos mahulog sa isang bangin sa Buruanga Aklan.

Ayon kay SPO3 Joselito Fernandez ng Buruanga PNP Station, galing Iloilo ang nasabing bus papuntang Buruanga Aklan nang madulas ito sa Barangay Alegria Buruanga Aklan at nahulog sa nasa mahigit kumulang 20ft na bangin.

Anya, dahil sa mahinahon naman ang pagpapatakbo ng nasabing bus ay walang naitalang patay sa nasabing insidente, subalit nasa walo ang sugatan dito na kasalukuyan nang ginagamot sa mga ospital sa probinsya.

Samantala, nagpapatuloy naman ngayon ang isinasagawang responde at tulong ng Buruanga PNP Station sa nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment