YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 06, 2014

Dalawang bagong assistant parish priest ng HRP Boracay, nakapag-adjust na sa kanilang iskedyul

Posted October 6, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Nakapag-adjust na sa kanilang iskedyul ang dalawang bagong assistant parish priest ng HRP Boracay.

Ayon kay HRP Boracay Priest Moderator Father Nonoy Crisostomo, ok na sa kanilang schedule ang dalawang paring makakatuwang niya sa parokya makaraan ang reshuffling ng mga assistant parish priest sa Diocese of Kalibo nitong nakaraang Huwebes.

Samantala, pormal namang nagpakilala sa Catholic Community ang mga dalawang bagong pari na sina Reverend Father Marvin Baylon na galing sa Naile, Ibajay at Reverend Father Rafael Delfin na galing pa sa New Washington, Aklan.

Nagpasalamat din ang mga ito sa mainit na pagtanggap sa kanila ng iba’t-ibang religious organizations at debotong Katoliko sa isla.

Nabatid na isa ang HRP Boracay sa mga abalang parokya ng Simbahang Katolika sa Aklan na nangangailangan talaga ng assistant parish priest upang matugunan ang mga serbisyo at pangangailangang espiritwal ng kanilang nasasakupan.

No comments:

Post a Comment