YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 07, 2014

2 motorsiklo, nagsalpukan; mga drayber, sugatan

Posted October 7, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay 

Masakit na ang katawan, masakit pa ang bulsa.

Ito ang sinapit ng isang drayber matapos makipagsalpukan sa isang motorsiklo sa Sitio Tulubhan, Manoc-manoc Boracay kagabi.

Ayon sa report ng Boracay PNP, nangyari ang aksidente nang umagaw sa linya ng kalsada ang nagmamanehong si Oliver Estellero, 21 anyos ng Argao, Malay, Aklan.

Dahil dito, nagsalpukan sila ng nakasalubong nitong drayber na si Niño Dy, 25 anyos ng Sitio Bantud, Manoc-manoc.

Resulta, parehong sugatan ang dalawa at pareho ding nagtamo ng pinsala ang kanilang motorsiklo.

Samantala, ayon pa sa report, babayaran ni Oliver ang gastusin-medikal at pagpapaayos ng nasirang motorsiklo ni Niño.

Nabatid na walang driver’s license si Oliver nang mangyari ang insidente.

No comments:

Post a Comment