YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 20, 2014

Directorial Staff inspection ng Police Regional Office 6, malaking tulong sa BTAC

Posted October 20, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Malaki umanong tulong sa BTAC ang ginawang pagbisita at pag-inspeksyon ng Directorial Staff ng Police Regional Office 6 nitong Oktobre 9-10.

Ito ang sinabi ni Chief PSInspector Mark Evan Salvo matapos umano silang payuhan kung anu pa ang mga dapat gawin para mas-mapaganda ang kanilang serbisyo publiko sa isla.

Nabatid na sa dalawang araw na pagbisita ng nasabing opisyal sa BTAC ay nagkaroon ang mga ito ng audit kasama na ang pag-inspeksyon sa bawat seksyon sa Boat Station Post area sa front beach ng Boracay.

Ayon pa kay Salvo ang pag-entertain umano ng VIP o Very importation Person ay pinalilimitahan din sa kanila para hindi ma-apektuhan ang kanilang mga trabaho.

Samantala, prayoridad ng nasabing grupo ang pag-monitor ng duty scheme ng mga pulis sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) kung ito ba ay nasusunod sa bawat trabaho.

No comments:

Post a Comment