YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 15, 2014

Lalaki nagreklamo sa BTAC matapos suntukin sa loob ng restaurant sa Boracay

Posted October 15, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay


Nagreklamo sa himpilan ng BTAC ang isang lalaki sa Boracay matapos na umano’y sinuntok sa loob ng isang restaurant sa isla.

Sumbong ng 24 anyos na si Kier Palma ng Cajilo Makato Aklan, kumakain ito sa loob ng isang restaurant sa Balabag Boracay nang nilapitan ng lasing na lalaki at walang probokasyong sinuntok sa kanyang baba.

Habang nasa loob pa umano ng nasabing establisyemento ay naghamon pa ang grupo ng suspek ng away sa biktima bago ang mga ito umalis.

Samantala, patuloy naman na pinaghahanap ngayon ng mga pulis ang suspek.

No comments:

Post a Comment