YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 28, 2014

Lalaking Malaysian national, ninakawan ng mahigit 10, 000 pesos sa Boracay; suspek, arestado

Posted October 27, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

“Inflagrante Delicto” o Caught in the act ang 30 anyos na lalaki sa Boracay habang pinagnanakawan ang isang Malaysian national.

Ayon sa blotter report ng BTAC, nakita ng waiter ng isang hotel sa isla ang suspek na si Raymund Flores ng Nagustan Nabas Aklan na akto umanong kinukuha ang knapsack ng turista.

Base sa imbestigasyon, naglalaman ng mahigit 10, 000 pesos na pera, cellphone at camera ang bag ni Chan Chut Lweng, 55 anyos ng Ulu Keleng, Selang Malaysia.

Samantala, kaagad namang naaresto ang suspek at kasalukuyan ngayong nasa kustodiya ng Boracay PNP Station.

No comments:

Post a Comment