YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 27, 2014

Malay PNP, target ang zero crime sa Undas

Posted October 27, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Target ngayon ng Malay PNP ang zero crime sa nalalapit na Undas.

Ayon kay Malay PNP Chief PSInspector Reynante Jomocan.

Maglalagay sila ng police assistance desk sa Caticlan at Malay cemetery upang manatiling mapayapa at ligtas ang pagdiriwang ng araw ng mga patay.

Naniniwala umano kasi si Jomocan na maaaring magkita-kita sa sementeryo ang mga pamilyang dati nang may samaan ng loob at magkasakitan.

Ayon pa kay Jomocan, bahagi ng kanilang security plan ang pakikipag-ugnayan sa security group sa Caticlan Port dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga magsisipag-uwian sa Undas.

Samantala, muli namang nagpaalala si Jomocan tungkol sa mga ipinagbabawal sa sementeryo tulad ng pagdadala ng alak at pagsusugal.

No comments:

Post a Comment