YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 06, 2014

Malaysian tourists sa Boracay, tumaas ayon sa DOT

Posted October 6, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Tumaas ngayon ang Malaysian tourists sa isla ng Boracay.

Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, mahigit 200 porsiyento ang itinaas ng Malaysian Tourist Arrival nitong taon dahil na rin sa mga promotions and marketing ng DOT.

Naitala kasi ang 11, 883 Malaysian tourists arrival nitong Enero hanggang Sityembre 2014 mula sa 4, 133 nitong nakaraang taon.

Samantala, ayon pa kay Velete, nananatili parin sa mga Korean tourists ang korona bilang nangungunang turista sa isla ngayon.

Dumistansya naman muna ang DOT Boracay sub-office sa usapin tungkol sa Chinese travel ban sa Boracay.

No comments:

Post a Comment