YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 14, 2014

Mayor John Yap, umapela sa kooperasyon ng BAG para sa high season sa Boracay

Posted October 13, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Umapela ngayon si Malay Mayor John Yap sa kooperasyon ng Boracay Action Group (BAG) para sa high season sa Boracay.

Sa ginanap na Joint Flag Raising Ceremony kaninang umaga, sinabi ng alkalde na maliban sa pagkakaroon ng command center sa isla ay kailangan din umano ang kooperasyon at suporta galing sa iba’t-ibang grupo lalo na ng BAG.

Anya, ang mga ito ay ang syang magiging kaakibat ng mga pulis para matiyak ang seguridad ng publiko lalo na ng mga bakasyunista at turista sa Boracay.

Samantala, kasabay ng high season muling ipinaliwanag ni Yap na ang pagtutulungan ng pulisya at komunidad ay magsisilbing susi ng matagumpay na paglaban sa kriminalidad.

Pinasalamatan naman nito ang ilan pang Non-Government Organization (NGO) sa isla na tumulong  para mapangalagaan ang seguridad ng Boracay.

No comments:

Post a Comment