YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 22, 2014

MDRRMC Malay magsasagawa ng Contingency Planning Workshop sa Boracay

Posted October 22, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nakatakdang magsagawa ng apat na araw na Contingency Planning Workshop ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDDRMC) Malay sa Boracay.

Ito’y upang palakasin ang sistema ng mas maagang paghahanda sa bayan lalung-lalo na sa isla ng Boracay.

Ayon sa kalatas na ipinadala ng MDRRMC Malay, saklaw ng nasabing aktibidad ang mahusay na pagkakabalangkas ng evacuation plan kung sakaling may papasok na isang malakas na bagyo.

Samantala, ano man umano ang mangyari, nakatitiyak ang buong bayan ng Malay na kontrolado na ang situwasyon kapag  may krisis.

Ang Contingency Planning Workshop sa Boracay ay nakatakdang gawin sa October 27-30, 2014 sa Eurotel Resort Boracay.

No comments:

Post a Comment