YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 13, 2014

Mga barangay sa Malay, nakapag-assembly meeting na

Posted October 13, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

14 mula sa 17 barangay sa Malay ang nakapa-assembly meeting na.

Ito ang sinabi ni Malay Local Government Operations Officer (MLGOO) V Mark Delos Reyes tungkol sa synchronized o sabay-sabay na barangay assembly sa buong Aklan nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Delos Reyes, maaaring alanganin ang schedule ng ibang barangay kung kaya’t ngayong linggo pa sila magsasagawa ng kanilang assembly.

Base sa Memorandum Circular 2014-100 na nilagdaan ni Interior Secretary Mar Roxas, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 260, series of 2011, nabatid na dapat magdeliver ng kanyang State of the Barangay Address ang isang barangay kapitan tuwing huling Sabado ng Marso at ikalawang Linggo ng Oktubre.

Ayon pa kay Delos Reyes, kailangang kumpleto rin dapat ang attendance ng barangay sa barangay assembly habang ipinapaabot sa taong bayan ang mga accomplishments financial reports, mga programa at proyekto sa barangay.

Nabatid na natapos naman ang Barangay Assembly ng Balabag nitong nakaraang Sabado.

No comments:

Post a Comment