YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 22, 2014

Mga international events sa Bolabog Beach sa 2015, sisikaping hindi maaapektuhan ng proyekto ng TIEZA

Posted October 22, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Upcoming Events Clip Art Of any upcoming events ourKinumpirma na ng Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) ang mga international events sa Bolabog Beach sa susunod na taon.

Ilan dito ang inaabangang kite boarding at windsurfing competition.

Kaugnay nito, sisikapin umano ng task force na hindi maaapektuhan ng drainage project ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang mga nasabing aktibidad.

Magugunitang sinabi rin ni Engineer Giovanni Rullan ng TIEZA na target nilang matapos ang canal extension ng kanilang drainage project sa Bolabog bago ang 2015 APEC Hosting ng Boracay.

Nabatid na isa rin sa inaalala ng task force ang mga nakatakdang aktibidad sa Bolabog Beach kung kaya’t doble-kayod na rin ang mga ito upang matapos ang mga sinimulang infrastructure project sa isla katulad ng kalsada at pagsasaayos ng mga problema sa beach front.

No comments:

Post a Comment