YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 14, 2014

Mga nagpalista para sa Mass Wedding sa Boracay, mahigit 40 couple na

Posted October 14, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Mahigit 40 na pares na ang nagpalista para sa Mass Wedding sa Boracay sa darating na Disyembre.

Ayon sa Holy Rosary Parish Boracay, halos ‘all set’ na rin ang lahat para sa nasabing kasalang bayan.

Paalala pa ng simbahan, hanggang November 5 lamang ang pagtanggap ng mga aplikante kung kaya’t dapat kumpletuhin na at ipasa ang mga requirements katulad ng birth certificate, baptismal certificate, confirmation certificate at marriage contract kung ikinasal na sa huwes.

Magugunitang sinabi ng HRP Boracay na dapat magpakasal ang mga lalaki at babaeng nagsasama bilang mag-asawa dahil bahagi umano ito ng Kristiyanong obligasyon.

Samantala, nabatid na taunang programa ng HRP Boracay at Nami Resort ang nasabing mass wedding.

No comments:

Post a Comment