YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 08, 2014

Mister sa Boracay na humingi ng sustento, sinuntok at kinagat ng kanyang ex-wife

Posted October 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagreklamo sa himpilan ng Boracay PNP ang isang mister matapos na umano’y sinuntok at kinagat ng kanyang ex-wife sa Boracay.

Sumbong ng mister sa BTAC, tumungo ito alas dyes kagabi sa boarding house ng dati nitong misis sa So. Manggayad Manoc-Manoc Boracay upang humingi ng sustento para sa kanilang anak.

Subalit, bigla na lamang di umanong nagalit ang kanyang dating misis at sinuntok sya sa kanyang mukha.

Dagdag pa ng nasabing mister, kinagat din umano ang kanang braso nito at hinampas pa sya ng bote sa noo.

Samantala, nakatakda namang magharap ang dalawa sa Manoc-manoc Barangay Justice System.

No comments:

Post a Comment