YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 28, 2014

Most wanted person sa Municipal Level ng Malay, boluntaryong sumuko sa Boracay PNP

Posted October 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Boluntaryong sumuko sa Boracay PNP Station ang isang ranked # 20 most wanted person sa Municipal Level ng Malay kaninang umaga.

Kinilala ang naarestong si Laurito Magan 54-anyos ng Caluya, Antique, isang karpentero at presenting nakatira sa Brgy. Manoc-Manoc isla ng Boracay.

Nabatid na may kaso itong Unjust Vexation na may criminal case na 1433-M na inilabas ni Hon. Marbibel De Guia Cipriano ng 6th Judicial Region 5th MCTC, Buruanga-Malay noong Nobyembre 20, 2013 na may piyansang P4,000.

Samantala, ikinostodiya naman ito sa Boracay PNP bago i-turnover sa bayan ng Kalibo.

No comments:

Post a Comment