YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, October 23, 2014

Pagdagsa ng maraming turista sa Boracay, pinaghahandaan na ng Jetty Port Administration

Posted October 23, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinaghahandaan na ng Jetty Port Administration ang Caticlan at Cagban Jetty Port ngayong pagbubukas ng peak season sa isla ng Boracay.

Katunayan isang pulong ang ipapatawag ni Jetty Port Administrator Nieven Maquirang para mapaghandaan ang pagdagsa ng mga turista lalo na ngayong papalapit na Undas.

Kabilang naman sa mga ipapatawag sa meeting ay ang operators ng Roro Vessels, bus transport, Philippine Coastguard, Philippine National Police at Maritime Police.

Sa kabilang banda sinabi naman ni Special Operation Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port ma maging ang mga pasilidad umano sa Caticlan at Cagban ay inihanda na rin kung saan naayos na umano ito bago paman magtapos ang Habagat Season.

Sa ngayon marami na umanong mga turista ang nagbabakasyon sa Boracay dahil na rin sa wala ng pasok sa ilang mga paaralan sa bansa bunsod ng semestral break at ang papalapit na paggunita sa araw ng mga patay ngayong Nobyembre 1 at 2.

No comments:

Post a Comment