YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, October 16, 2014

Security Guard, patay ng matagpuan sa isang guard house sa Boracay

Posted October 16, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Patay na ng matagpuan ang security guard ng isang construction site sa isla ng Boracay kaninang madaling araw sa Brgy. Balabag, Malay, Aklan.

Sa blotter report ng Boracay PNP kinilala ang biktimang si Nelson Tucjang, 57-anyos ng Lenneng Kabugao, Apayao at nag-tratrabaho sa isla bilang isang sekyu.

Nabatid na natagpuan nalang ito ng kanyang kasamahan sa trabaho na nakahandusay sa sahig ng guard house na walang bakas ng nangyaring krimen.

Ayon sa nakatago sa sekyu, tatlong beses niya umanong ginising ang biktima ngunit hindi na ito gumagalaw kung kayat huminge siya ng tulong sa iba pa nilang kasamahan para dalhin ito sa hospital.

Ngunit ng makarating ito sa pagamutan ay idiniklara ito ng doctor na dead on arrival kung saan ang ikinamatay umano nito ay Myocardial Infarction o atake sa puso.

Samantala, ang kanyang labi ay nakahimlay naman ngayon sa isang punerarya sa Brgy. Cubay Norte , Malay, Aklan.

No comments:

Post a Comment