YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 20, 2014

Seguridad at katahimikan ng Ati Village sa Boracay, tiniyak ni PChief Supt. Josephus Angan

Posted October 20, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

May mga pulis na ngayon sa loob ng Ati Village sa isla ng Boracay.

Sa ginanap na Thanksgiving Celebration ng Ati Community nitong Sabado, kinumpirma ni PNP 6 Regional Director PChief Supt. Josephus Angan ang paglalagay ng kapulisan sa lugar para sa seguridad at katahimikan ng mga Katutubong Ati.

Bagama’t aminado si Angan na maraming pagsubok ang kanilang naranasan bago naibalik ang katahimikan sa Ati Village, tiniyak din nito na palaging naririyan ang mga pulis para narin sa katahimikan ng buong Boracay.

Samantala, naging masaya naman si Angan sa pag-unlad ng mga Ati sa Boracay dahil sa suporta ng buong kumunidad, simbahan, at iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.

Magugunitang nagdulot ng masamang imahe sa isla ang karahasang sinapit ng mga katutubo dahil sa lupang ipinagkaloob  sa kanila ng pamahalaan na nauwi sa pagpaslang ng mismo nilang spokesman na si Dexter Condez nitong nakaraang taon.

No comments:

Post a Comment