YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 15, 2014

TIEZA at BRTF, muling nagharap sa isang pagpupulong ngayong araw

Posted October 15, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Muling nagharap sa isang pagpupulong ngayong araw ang TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority at Boracay Redevelopment Task Force.

Magugunitang iniskedyul mismo ni Boracay Island Administrator Glenn SacapaƱo ang pagpupulong ngayong araw sa kabila ng pag-meeting na nila nitong nakaraang linggo kasama ang Boracay Foundation Incorporated.

Ayon pa kay SacapaƱo, muling pag-uusapan ang problema sa drainage project ng TIEZA pati na ang street lights at kalsada sa Boracay kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan katulad ng DENR at DPWH.

Umaasa naman ang task force na matutuldukan na ang mga nasabing problema lalo pa’t nalalapit na ang 2015 APEC Hosting ng Boracay.

No comments:

Post a Comment