YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 04, 2014

Bading sa Boracay, kalaboso matapos mabuking ang modus sa isang turista

Posted November 4, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Sa kulungan na muna ng Boracay PNP natulog ang isang bading matapos maaresto dahil sa kasong pagnanakaw.

Ayon sa police report, sinundan ng dalawang bading ang turistang naglalakad sa beach front kaninang madaling araw at inalok na maging kustomer.

Subali’t napansin umano ng turista na mina-maneobra ng isa sa dalawang bading ang laman ng kanyang bag, bagay na nagpasaklolo ito sa security guard sa lugar.

Kaagad namang inaresto at isinuko ng guwardiya sa mga pulis ang bading habang ipinagkatiwala sa DSWD o Department of Social Welfare and Development office ang kasama nito na isa umanong minor de edad na lady boy.

No comments:

Post a Comment