YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 12, 2014

Barangay Captain Ric Calvario, ‘hands off’ kaugnay sa reklamo ng mga Yolanda victims sa Poblacion, Malay

Posted November 11, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

‘Hands off’ ngayon kaugnay sa reklamo ng mga Yolanda victims sa Poblacion, Malay si Barangay Captain Ric Calvario.

Bagama’t tumanggi na munang magbigay ng pahayag, minarapat ni Calvario na ipasa na lamang kay MSWD o Municipal Social Welfare Development Head Magdalena Prado ang pagsagot sa nasabing problema.

Samantala, dismayado naman ang mga nagrereklamong pamilya kaninang umaga nang malamang tumanggi ring magbigay ng pahayag si Prado tungkol dito.

Base sa reklamo ng mga biktima ng bagyong Yolanda, nag-aala ang mga ito na hindi maibibigay ang financial assistance na para sa kanila dahil tinanggal ang kanilang mga pangalan sa listahan ng DSWD.

Nagtataka din umano ang mga ito kung papaanong nasa bagong listahan ang mga pangalan ng mga hindi naman biktima ng bagyong Yolanda.

No comments:

Post a Comment