YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, November 28, 2014

BITC at DOLE Regional Office 6, muling naglunsad ng Job Fair sa isla

Posted November 28, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Atensyon sa mga naghahanap ng disenteng trabaho dito sa isla ng Boracay!

Isang Job Fair ang muling inilunsad ng BITC o Boracay Industry Tripartite Council at DOLE o Department of Labor and Employment Regional Office 6 dito sa isla ngayong araw.

Kaugnay nito, muling ipinaliwanag ng DOLE ang kanilang programa na labanan ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga employers na magbigay ng trabaho.

Ayon kay DOLE Aklan Senior CEO Arlyn Siaotong, bukas para sa lahat ng mga naghahanap ng trabaho at maging sa mga may trabaho na, pero nais pa ng ibang job opportunities ang nasabing Job Fair.

Masaya namang sinabi ni BITC Assistant Lyzelle Ceralde na maaaring magkaroon agad ng trabaho ang isang aplikante o tinatawag na Hired on the Spot.

Samantala, kasalukuyan na ring pumipila ang mga aplikante sa iba’t-ibang kompanya na nakibahagi sa isang araw na job fair sa Holy Rosary Parish Boracay Compound.

No comments:

Post a Comment