YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, November 20, 2014

BIWC at TIEZA, pupulungin mamaya ng BRTF hinggil sa pipe concreting and extension sa Bolabog Beach

Posted November 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Magsasagawa mamayang alas dos ng hapon ng isang pagpupulong ang  Boracay Redevelopment Task Force (BRTF).

Ito’y kaugnay sa pipe concreting and extension sa Bolabog Beach na bahagi ng drainage project bago ang APEC 2015.

Nabatid na una nang sinabi ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) na kailangan pa nilang dugtungan ng concrete pipe o sementadong tubo ang drainage sa Bolabog beach bago tuluyang paganahin ang kanilang pumping station sa Barangay Balabag.

Subalit, hindi parin ito natatapos dahil sa marami pang kinakaharap na problema ang drainage sa isla katulad ng mga illegal connections.

Samantala, pagtutulungan naman umano ng BRTF na matapos ang proyekto bago ang APEC Hosting.

No comments:

Post a Comment