YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, November 06, 2014

CSO Assembly, lumarga sa bayan ng Malay

Posted November 6, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Lumarga nitong araw sa bayan ng Malay ang CSO o Civil Society Organization Assembly.

Inilunsad ito ng Department of Interior and Local Government (DILG) Malay na may layong maipaliwanag sa mga Malaynon ang kahalagahan ng GPB o Grassroots Participatory Budgeting.

Sa kanyang text message, sinabi ni Malay Local Government Operations Officer (MLGOO) Mark Delos Reyes na gagawan ng mga proyekto ang mga napag-usapang problema at issues sa bayan at isla na pagkakasunduan naman ng LPRAT o Local Poverty Reduction Action Team.

Popondohan din umano ito ng GBP para sa taong 2016.

Samantala, mahigit 50 ang dumalo sa nasabing assembly mula sa iba’t-ibang ibang organisasyon mula sa Boracay at Malay katulad ng non-government organizations (NGOs) People’s Organization (POs), basic sector organization, cooperatives.

Nabatid na isang paghahanda ng mga panukala sa badyet ng isang ahensya ang GPB.

No comments:

Post a Comment