YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 12, 2014

Industry-wide general assessment ng DOLE, muling lumarga sa Boracay

Posted November 12, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Target ng DOLE na maging labor compliant ang isla ng Boracay.

Kaugnay nito, muling lumarga ngayong araw sa isla ang Industry-wide General Assessment ng DOLE o Department of Labor and Employment.

Ayon kay DOLE Aklan Head Vidiolo Salvacion, para sa mga establisemyentong hindi pa sumailalim sa general assessment ang limang araw na aktibidad na sinimulan nitong umaga.

Paalala lamang ni Salvacion na kailangang dalhin ang payroll at SSS payment ng kanilang mga empleyado.

Samantala, bibigyan umano ng certificate of compliance ang mga nasabing establisemyento kapag hindi nakitaan ng anumang paglabag sa mga ipinapatupad na labor code at hindi bibisitahin ng DOLE sa loob ng dalawang taon.

Ayon pa kay Salvacion, bibisita din sa isla ng Boracay sa November 18 si mismong DOLE Secretary Rosalinda Baldoz para sa nasabing aktibidad.

No comments:

Post a Comment