YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 17, 2014

Installation ng dalawang assistant priest sa HRP Boracay, isinabay sa birthday ng dalawang pari

Posted November 17, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Isinabay sa birthday ng dalawang pari ang installation ng dalawang assistant priest sa HRP Boracay.

Nauna rito, isang thanks giving mass muna ang ginanap bago ang installation ng mga assistant priest na sina Reverend Father Marvin Baylon at Reverend Father Rafael Delfin.

Isang simpleng salu-salo naman ang sumunod sa mismong kumbento ng simbahan na dinaluhan ng mga church workers at religious organization ng simbahan.

Nabatid na birthday ni Father Nonoy Crisostomo nitong nakaraang Huwebes Nobyembre 15 naman ang kay Father Marvin.

Napag-alaman din na isinabay na lamang ng mga ito ang kanilang birthday celebration sa installation ng mga bagong pari.

Samantala, sinabi naman ni Father Nonoy Crisostomo na blessing din kanilang bagong kumbento na sinimulan namang ipagawa noong si Father ‘Adlai’ Placer pa ang kura-paroko ng HRP Boracay.

No comments:

Post a Comment